Hindi Hihiwalay - Aubrey Caraan | LYRIC VISUALIZER


♫♫♫♫♫
Sumasaya sa tuwing minamasdan
‘Yong mata kapag 
ako’y tinitingnan
Pinapawi ng mga yakap mo
Ang takot na bumabalot 
sa ‘king mundo
Huminto sana ang oras
Kapag tayo ay nagsasayaw
Kung ito’y panghabangbuhay
Pangakong ‘di ako hihiwalay
Ahhh ahhh…
Hawakan mo ang aking kamay
Lilibutin ang mundo 
na kasama ka
Susulitin ang bawat oras
Na natitira para 
sa ating dalawa
Huwag na huwag kang hihiwalay
Pangakong ‘di ako mawawalay
Alam mo ba sa tuwing kasama ka
Hinahanap-hanap 
ang tamang salita
Para lang masabi ko sa ‘yo
Kung ga’no mo binago 
ang aking mundo
Ang tanong sa ‘king sarili
Ano ba ang nagawang 
maganda sa ‘yo
Para lang sa ‘kin sabihin
Na ako ang taong nasa 
panalangin mo, ohh hoh…
Hawakan mo ang aking kamay
Lilibutin ang mundo 
na kasama ka
Susulitin ang bawat oras
Na natitira para 
sa ating dalawa
Huwag na huwag kang hihiwalay
Hinding-hindi ako mawawalay
Hindi ko mapigilang 
mahumaling sa iyo
Iyong mga ngiti ang laging 
nasa isip ko
Hiwagang umiikot sa paligid 
ng mundo
Ikaw lang
Hawakan mo ang aking kamay
Lilibutin ang mundo
Nang may kasama ka
Susulitin ang bawat oras
Na natitira para 
sa ating dalawa
Huwag na huwag kang hihiwalay
Pangakong ‘di ako mawawalay

Post a Comment

0 Comments